Walang duda, si Nancy Binay ang alas ng mga Binay.
Si Nancy ang sasandalan ng mga Binay lalong-lalo na kung mawiwindang ang pangarap ni Vice President Jejomar Binay na maging pangulo ng bansa.
Sakaling matalo sa pagkapangulo si Jejomar, siguradong babahain ng asunto ang mga Binay ukol sa graft and corruption sa Makati City na itinuturing ng pamilyang Binay bilang sariling kaharian at pinaghaharian magmula pa noong dekada 80 ng nakaraang siglo.
Mantakin mo yon.
Sigurado ring babalikan ang mga Binay ng kanilang mga kalaban kapag nawala sa poder si Jejomar kaya’t kailangan nila ng malakas na kapamilya na nakapuwesto sa mataas na posisyon at may malakas na impluwensiya.
Dahil sa malawak na impluwensiya ng mga Binay, walang umuusad na kaso laban kay Jejomar na naupong alkalde ng Makati mula 1986 hanggang 1998. Pagkatapos nito ay ginamit niya ang kanyang impluwensiya kay Pang. Joseph Estrada at naitalaga bilang Metro Manila Development Authority (MMDA) chief mula mula 1998 hanggang 2001.
Muli siyang kumandidato bilang mayor ng Makati noong 2001 at nanungkulan sa puwesto hanggang 2010 bago siya nahalal bilang bise presidente.
Pinalitan si Jejomar ng kanyang asawang si Elenita bilang mayor ng Makati noong 1998 hanggang 2001. At ang pumalit naman kay Jejomar bilang mayor matapos ang kanyang ikatlong termino noong 2010 ay ang kanyang anak na si Jejomar Jr. na mas kilala sa palayaw na Junjun.
Nong 2008, ay nasakdal si Elenita, kasama ang mga negosyanteng sina Li Yee Shing, Jason Li, Vivian M. Edurise at Ernesto Aspillaga dahil sa maanomalyang pagbili ng mga kagamitang pang-opisina na diumano’y overpriced ng mahigit P3.6 million.
Noong 2001, naakusahan din si Elenita, kasama sina city councilor Salvador Pangilinan, former city administrator Nicanor V. Santiago Jr., at city treasurer Ernesto A. Aspillaga at si Bernadette Aquino dahil sa pagmaniobra sa public bidding para sa supply contract sa city government na nagkakahalaga ng P72 million.
Pero hindi lamang si Elenita ang nakitaan ng anomalya, maging si Jejomar ay involved din dito at noon ngang 2007 ay sinuspende ang mga bank accounts ni Jejomar dahil sa hindi pagbabayad ng income tax returns ng mga empleyado ng Makati.
Maaring nagtataka kayo kung nasaan si Nancy sa mga pangyayaring ito.
Si Nancy ay anino lamang sa mga Binay. Katunayan wala siyang nahawakang posisyon sa Makati kungdi ang pagiging personal assistant ng kanyang ina noong ito ay nanunungkulan.
Dahil dito, marami ang nagtataka kung bakit biglang naging kandidato si Nancy na halos walang karanasan sa isang posisyong pampubliko.
Samakatuwid, malinaw na si Nancy ang magiging extension ni Bise Presidente at ng kanyang buong angkan sakaling maupo ito sa Senado.
Ang laking impluwensiya ang hahawakan ng Binay family sakaling manalo si Nancy. At siguradong gagamitin ito ng mga Binay upang maisulong ang mga pampamilyang interes.
Kaya sa Mayo, mag-isip. Papayag ka bang magamit ng pamilya Binay para sa kanilang sariling interes?
Huwag magpa-uto kay Jejomar at sa mga Binay, Nancy wag isama sa balota!!!